Contributions - A True Story... Or blot?

All literary articles and poetry contained herein are written by staff, patients and trainees of MPF-RBR Pasig and Cebu. Some names have been changed or omitted to maintain confidentiality.

HALLOWEEN SCARE
(A True Story... Or blot?) by laime

Thriller! Katatapos lang ng unang tsunami sa bahay. Ngayon, tila may parating na naman.

Nag-uusap kami sa female dorm after lights off. “Hay! Wala ba kayong naririnig? May umiiyak ba? Sagot sa akin: “Matulog ka na nga. Nagha-hallucinate ka ba?” Ang buntis kong kasama, natakot: “Oy! Wag kang ganyan. Baka malaglag ang dinadala ko”. Mahaba pang usapan...blah, blah, blah. Biglang tumahimik. Tila may dumaang anghel. Finally, may nagsalita: “Patayin ko na nga ang ilaw”.

Akala ko ako lang ang di makatulog at guni-guni ko lang ang aking naririnig. Mga kaluskos, bulungan, at kahol ng aso sa backdrop ng bilog na buwan. Lumakas ang ingay kaya’t di ko na napigilan tumayo. Mula sa kinatutulugan, napadungaw ako sa labas ng bintana. Na-shock ako sa mga aninong nakita ko, at may isang biglang tumalon na parang paru-para. I thought, malik-mata lang ito. Then I heard someone shout: “Ahh! May tumatakas! May tumatakas!”. Nagbangunan ang lahat sa kinakahijaan. Sabay bukas ng shutter. “GENERALASSEMBLE!”, sigaw ng kaitaas-taasan. “COUNT OFF!”. “One, two, three, four... forty-one, forty-two.” Bulong ko sa sarili: “My gosh, kulang ng tatlo!”.
HOUSE DEAL NA!!!